Isulat ang titik T sa patlang kung wasto ang ipinapahayag sa bawat pangungusap na nauukol sa dokyu-film at M kung hindi wasto.
____ 1. Ang mga documentary film ay espesyal na ginawa para maipalabas sa telebisyon at walang
balak na lumitaw sa mga sinehan.
____ 2. Pangunahing layunin ng dokyu-film ang magbigay impormasyon, manghikayat at
magpamulat ng mga kaisipan tungo sa kamalayang panlipunan.
____ 3. Sa pagsusuri ng isang dokyu-film, dapat isaalang-alang ng manonood kung naaayon ba
ang ginamit na tunog at visual effects sa paksa ng kuwento.
____ 4. Hindi mahalagang suriin kung saan naganap at kung anong kultura mayroon ang mga
taong itinampok sa isang salaysay o dokyu.
____ 5. Ang mga dokyu-film ay naglalayong maghatid ng mga makatotohanang pangyayari na
nagaganap sa buhay ng isang tao.
____ 6. Ang temang nais ipabatid ng may-akda ang siyang pinakabuhay o dugo ng isang dokyu-
film.
____ 7. Karaniwang nakatuon sa kahirapan at korapsyon, problema sa edukasyon at suliraning
pang-ekonomiya at sa mga katiwalian ang mga dokumentaryong ating napanonood.
Page 2 of 2
____ 8. Sa pagsusuri ng dokyu-film, mahalagang alamin kung ano ang dinanas ng tauhan sa
lugar na kanyang kinabibilangan.
____ 9. Ang tagpuan ang siyang pinakamahalagang elemento ng isang dokumentaryo.
____ 10. Dapat din nating maiugnay ang ating sariling karanasan sa buhay ng tauhan sa isang
dokumentaryo upang mas maging makatotohanan ang sinusuring palabas.