Answer:
Pagpapahalaga sa Kulturang Pilipino
1.)Patuloy na paggamit, pagpapayaman, at paglinang ng sariling wika.
2.)Pagtangkilik ng mga likhang akda na nagpapakita ng ating pagkaPilipino.
3.)Pagtangkilik ng mga akda, likhang sining, o musika na gawa ng mga Pilipino na nagtataas ng bandera ng Pilipinas.
4.)Pagyakap ng sariling produkto o mga gawang lokal.
5.)Pagpapakita ng pagmamahal at suporta sa kapwa Pilipino at sa ating bansa.
6.)Pagkakaroon ng interes na alamin ang ating kasaysayan upang mapaunlad ang kasulukayan.
Explanation:
Kultura
Ang kultura ay nagpapakita ng paraan ng pamumuhay ng isang grupo ng tao na nagbibigay sa kanila ng sariling pagkakakilanlan. Nakikila ang isang lahi sa pamamagitan ng kanilang:
>pananamit
>wika
>pagkain
>laro
>kuwento
>panitikan
>pambansang sagisag
>kaugalian
>gawi
Kulturang Pilipino
Ito ay nagpapakita ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Nakaugat dito ang pinagmulan, at pamana ng mga sinaunang Pilipino. Kaya't maigi lamang na alamin, alagaan, linangin, pagyamanin, at ipagmalaki ang kulturang Pilipino.