Ano ang kayarian ng pangngalan sa unang hanay? Ikalawang hanay? Ikatlong hanay? Ika-apat na hanay? Iba’t iba ang paraan ng pagbubuo o kayarian ng pangngalan
1. Payak-ito ay binubuo lamang ng salitang-ugat tulad ng: silid isda tao bansa papel guro burol patatas plasa 2. Maylapi-ito ay binubuo ng salitang-ugat at panlapi kagaya ng: kabundukan paaralan mag-aaral kalayaan 3. Inuulit- ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pag-uulit ng salitang-ugat o ang unang dalawang pantig tulad ng: araw-araw bahay-bahay bali-balita ari-arian 4. Tambalan- ito ay binubuo ng dalawang salita tulad ng: takdang-aralin bahay-kubo barong tagalog silid-aralan