👤

ano ang tagpuan sa monoro Ang guro?​

Sagot :

Answer:

Manoro

Tagpuan:

Unang Tagpo: Sapang Bato Elementary School

Ikalawang Tagpo: sa loob ng jeep

Ikatlong Tagpo: sa tindahan

Ikaapat na Tagpo: sa tahanan nina Jonalyn

Ikalimang Tagpo: sa kabundukan

Ikaanim na Tagpo: sa kabundukan

Ikapitong Tagpo: sa kagubatan

Ikawalong Tagpo: sa tahanan ng mga katutubo

Ikasiyam na Tagpo: sa labas ng presinto

Ikasampung Tagpo: sa tahanan ng mga katutubo

Banghay:

Ang kwentong Manoro ay nagsimula sa araw ng pagtatapos ni Jonalyn sa elementarya. Mula sa kanyang pagtatapos ay nabuo sa isipan ni Jonalyn na kailangan nyang makapagpatuloy ng kanyang pag - aaral hanggang sa sya ay makapagtapos at maging isang ganap na guro. Ngunit sadyang may mga bagay na nakapipigil sa tao na maabot ang kanyang mga pangarap. Sa kaso ni Jonalyn, ang labis na kahirapan ang syang patuloy na gumagapi sa kanilang mga pangarap. Noong mga panahong iyon ay nalalapit na ang eleksyon kaya't marami sa mga katutubo ay naghahangad na makaboto sa pag - asang maitataas nito ang antas ng kanilang pamumuhay. Ngunit sa kasamaang palad karamihan sa kanila ay hindi nakaboto at napagsarhan ng presinto. Hindi man sila nakaboto, ipinagdiwang pa din nila ang pagkakaroon ng biyayang dulot ng baboy ramo na nahuli ni Apo Bisen sa kabundukan na kanila nilang pinagsalu - saluhan.

Kakintalan:

Hindi lahat ng mga katutubo ay walang aral o mangmang sapagkat maging sila ay nagsisikap na magkaroon ng karunungan. Maging sila as naghahangad na iangat ang antas ng kanilang pamumuhay.

Paghihinuha:

Marahil ay iniisip ng karamihan sa atin na ang mga Aeta ay hindi dapat bigyan ng pagkakataon na mamuhay ng normal sa kabihasnan dala ng kanilang kakulangan sa karunungan.