👤

1.Ang wika ay mula sa salitang "lingua" dahil ang dila ang pangunahing instrumentong ginagamit ng tao sa kanyang pakikipagtalastasan sa kanyang paligid.

TAMA O MALI

2.Ang katawagang "lingua franca" ay mas kilala ng kabataan ngayon sa saling "French Language."

TAMA O MALI

3.Sa sampung opisyal na wika ng bansang Pilipinas, apat dito ay nagmula sa Luzon.

TAMA O MALI

4.Gaya ng Luzon, may apat ding opisyal na wika ng bansa na nagmumula sa Visayas.

TAMA O MALI

5.Dahil sa hindi pa masyadong napag-aralan ang iba't ibang diyalekto at pangkat sa Mindanao, dalawang opisyal na wika lamang ang kinilala mula sa islang ito.

TAMA O MALI

6.Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay may masistemang balangkas na pinili para magamit ng mga taong nasa parehong kultura at paniniwala.

TAMA O MALI

7.Mula sa teorya ni Charles Darwin, ang posibleng maging wika ng sanggol ng mag-asawang Cebuanong nakatira sa Maynila ay Cebuano lamang.

TAMA O MALI

8.Anuman ang nakagisnang wika ng isang bata sa kanyang paligid, ito ang kanyang magiging unang wika.

TAMA O MALI

9.Ang wika at diyalekto ay nasa parehong antas, lahat ng diyalekto ay wika.

TAMA O MALI


10.Ang Wikang Filipino ay sinasabing kakaiba dahil ito ay wikang PILI at PINO para sa ating LIPI.

TAMA O MALI