Gabay sa Gawain: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot.
1. Ito ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakalba- Iba ng mga bagay-bagay. Mahalaga ang prosesong ito sa ating pagpili. A. Mabuting pagpapasya C. Maingat na pagtuklas B. Mahusay na pamumuno D. Maayos na pakikisama
2. Ang pagkakaroon nito ay isang mabuting giya o gabay sa ating mga pagpapasya. A. Personal na pahayag ng layunin sa buhay o personal mission statement B. Personal na talaan ng naipon at naipunda C. Personal Diary or talaarawan D. Personal na talasalitaan
3. Ang pagpili ay nangangailangan ng pagkakaroon ng pagtatangi o diskriminasyon at ang una at pinakamahalagang sangkap sa anomang proseso ng pagpapasya ay A. Pera B. Panahon C. Pakikisama D. Pangarap
4. Ang mga ito ay instrumento o gamit sa mabuting pagpapasya. A. Isip at panahon B. Isip at Damdamin C. Damdamin at Pera D. Isip at Pera
5. Sinasabing ito ay ang pundasyon o haligi ng proseso ng mabuting pagpapasya. A. Pangarap B. Pagsisikap C. Pagpapahalaga D. Paggalang
6. Ang proseso ng mabuting pagpapasya sa maikling salita ay - "batay sa ating pagpapahalaga, ginagamit natin ang ating isip at damdamin upang tiyakin sa loob ng sapat na panahon ang ating pasya." Ang pahayag na ito ay: A. Tama B. Mali C. Walang ugnayan D. Hindi mahalaga