👤

1.Sa teoryang Multiple Intelligences ni Dr. Howard Gardner (1983), ang lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba’t iba ang talino o talento. Bilang nasa Baitang 9, ano ang mahalagang gampanin na dapat mong gawin sa mga talino o talentong ipinagkaloob sa iyo?
A.Pahalagahan at paunlarin
B.Pagtuunan ng pansin at palaguin
C.Paunlarin para sa sarili at ikabubuti ng lahat
D.Lahat ay tama
2.Isa sa mga kakayahang taglay ng bawat tao na magagamit niya sa pagpapasya at malayang pagsasakilos ng kanyang pinili at ginusto nang may pananagutan ay ang kalayaang mag-isip.Bakit mahalagang maglaan ng oras sa pag-iisip bago mamili?
A.Nangmakita ang kabuuan at mga anggulo ng sitwasyon
B.Nang magamit ng maayos ang oras
C.Upang masabi na nakapag-isip ng maayos
D.Upang ang pasya ay matanggap ng iba
3.Hindi sa lahat ng panahon ay makapangyarihan ang isang personal na pahayag ng misyon sa buhay.Ayon kay Stephen Covey, paano magiging makapangyarihan ang misyon natin sa buhay?
A.Kung ginagamit sa araw-araw ng mayroong pagpapahalaga.
B. Kung kinikilala ng tao ang kaniyang kakayahan at katangian.
C. Kung ginagampanan nang balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho at komunidad.
D. Kung kinikilala niya ang kaniyang tungkulin sa kaniyang kapuwa.
4.Isa rin sa kraytirya sa paggawa ng personal na pahayag ng misyon sa buhay ay kung ito ba ay naaabot.Alin sa mga sumusunod na tanong na hindi makakatulong sa pagsaalang-alang kung ang misyon ay maaabot?
A. Makatotohanan ba ang iyong personal na pahayag ng misyon sa buhay?
B. Kaya bang gawin ang naisulat sa personal na pahayag ng misyon sa buhay?
C. Mapanghamon ba ang pahayag ng misyon sa buhay?
D. Maibibigay ba ito ng ibang tao sakaling hindi magtagumpay?
5.Ang pagpili ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, sining at palakasan, negosyo o hanapbuhay na angkop sa sariling talento,kakayahan at hilig ay makatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.Papaano ito nakakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa?
A.Ang maling pagpili ng kurso na ayon sa iyong sariling talento, kakayahan at hilig ay nangangahulugang karagdagang problema sa isyu ng job mismatch
B.Ang pag-unlad ng bansa ay responsibilidad ng pamahalaan at hindi ng kanyang mamamayan
C.Ang pagpili ng tamang kurso ayon sariling talento,kakayahan at hilig ay hakbang sa minimithing trabaho at buhay sa hinaharap para sa sarili,pamilya,kapwa at bansa
D.Ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa mga batas na gagawin at ipatutupad nang mga naihalal na ng taong bayan.

PAHELP PO SA ESP MGA ATE/KUYA MARK BRAINLIEST KO YUNG MAKASAGOT ❤️​