👤

kahalagahan ng asean

Sagot :

Answer:

Ang layunin ng asean ay mapanatili ang kapayapaan at mapabilis ang paglaki ng ekonomiya, pag-unlad ng lipunan at pag-unlad ng kultura.

Ang ASEAN ay ang “Association of Southeast Asian Nations”. Ang kahalagahan ng ASEAN Summit sa bansa ay ang pagkakaroon ng interaksyon sa ibang miyembrong bansa kung saan napag-uusapan ang mga isyu sa rehiyon. Sa pamamagitan ng ASEAN Summit, nabibigyan ng pokus ang kapakanan ng bawat miyembrong bansa. Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol sa kahalagahan ng ASEAN Summit sa bansa ay narito.

I. Ano ang ASEAN at ang ASEAN Summit?

Ang ASEAN ay pinaikling “Association of Southeast Asian Nations”. Ang mga bansa sa Southeast Asia ang mga kasapi sa ASEAN. Ito ay ang Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Thailand, at Vietnam.

Ano ang layunin ng ASEAN? Ang layunin ng asosasyon ay mapabuti ang ekonomiya, kapayapaan, kultura at  lipunan ng bawat bansa sa rehiyon.  

Sa kabilang banda, ang ASEAN Summit ay ang pagpupulong ng mga kasaping bansa at mga dialogue partners (katulad ng United States, Canada, Australia, New Zealand, China, Japan, at European Union).

II. Ano ang kahalagahan ng ASEAN Summit?

Ang kahalagahan ng ASEAN Summit ay:

dito napag-uusapan kung paano mapangalagaan ang kapakanan ng bawat bansa at bawat mamamayan sa loob ng mga bansang ito.

Dahil sa ASEAN Summit, nakikinabang ang Pilipinas sa tulong ng ibang bansa ukol sa kapayapaan, negosyo, ekonomiya, kultura, at iba pa. Iyan ang paraan kung paano matutulungan ng ASEAN ang ating bansa.

Iyan ang detalye tungkol sa kahalagahan ng ASEAN Summit sa bansa.

( Hindi ko po Ito answer, Ito po and origin ng answer https://brainly.ph/question/1050488 )