11. Bagama't itinuturing na halaw ang akdang Ibong Adarna, sinasabi naman ng maraming kritiko na umaangkop sa kalinangan ng kultura ng mga Pilipino ang mga nilalaman nito. Ang ibig sabihin nito ay... a. Masasalamin sa akda ang mga natatanging pagpapahalaga at kaugaliang Pilipino. b. Maraming pagpapahalagang Pilipino ang natutuhan ng ating mga ninuno sa mga Espanyol. c. Sa mahabang panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa ay natutuhan na ng mga Pilipinong mamuhay ng ayon sa kulturang banyaga.
12. Maraming Pilipino ang tumangkilik sa Ibong Adarna sapagkat ito ay nagsilbing Panitikang Pantakas para sa ating mga ninuno. Ang ibig sabihin nito ay... a. Maraming Pilipino ang nakatakas sa mapaniil na pananakop ng mga Espanyol dahil sa paglaganap ng Ibong Adarna. b. Naantig ang damdamin ng mga Pilipinong lumaban sa mga Espanyol dahil sa mga makabayang damdaming nilalaman ng Ibong Adarna, c. Pansamantalang nakatakas sa hirap at lumbay ang mga Pilipino sa pagbabasa o panonood nila ng mga palabas na hango sa Ibong Adarna.