Panuto: Ibigay ang mga katangian ng nobela batay sa ating napag-aralan at kung paano siya naiiba sa mga akdang panitikan. Isulat ang iyong kasagutan sa parihaba. Nobela

Ang isang Nobela ay nagtataglay ng maraming katangian upang maging maganda at epiktibo sa mga mambabasa. Narito ang mga katangian ng Nobela:
• Ang tagpo at kaisipan ay naisulat ng maliwanag at maayos.
• Isinaalang-alang ang ukol sa kaasalan.
• Ang paglahad ay malikhain
• Ito ay pumupukaw ng damdamin ng mga mambabasa.
• Ang pagkasulat ay malinis at maayos.
• Ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari.
• Ito ay nagsasalarawan sa iba't- ibang aspekto ng buhay.
• Maraming magandang tagpuan na nagpapakilala sa iba pang mga tauhan.
• Ito ay kaaya-aya.