Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang 41. Ito any isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at loob ng isang bansa na makakatulong sa pagbibigay ng impormasyon sa mga mamamayan. a. mapa b. tsart c. balita d. dayagram 42. Isang katangian ng balita na ang mga datos ay inilalahad ng walang labis at walang kulang. a. kawastuhan b. katimbangan c. makatotohanan d. kaiklian 43. Isang impormasyong tunay at aktwal at hindi gawa-gawa lamng. a. kawastuhan b. katimbangan c. makatotohanan d. kaiklian 44. Ito ay tawag sa una at pangalawang talata ng balita. Nagsisilbing pang-akit sa mga mambabasa dahil ito Ang pinaka buod ng balita. a. konbensyonal b. kabuuang balita c. makabago d. pamatnubay 45. Sa bahagi ng balangkas ng editorial, kung saan binabanggit ang isyu o balitang tatalakayin, kailangang ito'y maikli ngunit makatawag pansin. a, balita b. panimula c. katawan d. pangwakas