👤

Si Berea ay isa sa mga bawal lumabas sa panahon ng pandemya dahil siya ay nasa edad labing-apat na taong gulang lamang. Lumaki siya na kasama lamang ang lola na isang senior citizen. Mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas ng mga bata na 18 taong gulang pababa at 60 taong gulang pataas dahil sa panganib ng covid-19. Isang araw ay naubos na ang nakatabing gamot ng lola ni Berea at inaatake na ng asthma. Hindi siya makahingi ng tulong sa mga kapitbahay dahil sila ay maraming ginagawa at hindi maayos ang pakikitungo sa kanila ng mga taong ito. Ang botika na kanyang pagbibilhan ay nasa labasan lang ng kanilang lugar. Dahil sa hindi na niya matiis ang kalagayan ng lola ay gumawa siya ng paraan upang makapunta ng botika kahit na ipinagbabawal ang paglabas ng kagaya niyang wala pa sa hustong gulang.

2. Ano-anong mga pagpapahalaga ang ipinakita sa sitwasyon ni Berea?

3. Ano sa tingin mo ang dapat isaalang-alang ni Berea bago gumawa ng isang
pasiya?


Sagot :

Answer:

2.Pagpapahalaga sa kaniyang lola na kahit batas ay hindi kaya n'yang hindi sundin para lang sa kapakanan ng kaniyang lola.

3.Ang mga posibleng mangyari, o ang magiging resulta nito.

Answer:

2. Ang pagpapahalaga na naipapakita ni Berea ay ang kanyang pagmamahal sa kanyang Lola. Ayaw niya na mawala ito kaya gumawa siya ng paraan.

3. Isaalang alang niya dapat ang kanyang kaligtasan lalo na't delikado. Ngunit sa pagmamahal na kanyang nararamdaman sa kanyang Lola ay magawa itong lumabag kahit na bawal.

Explanation:

Yan po ang sagot ko, para sa sarili ko^_^