👤

MGA MAKABAGONG BAYANI

Dulot ng kakulangan ng mga hanapbuhay sa Pilipinas, maraming Pilipino ang naghahanapbuhay sa labas ng bansa. Nagtitiis silang mawalay sa pamilya upang makapaghanapbuhay at may maitustos sa pamilya. Higit sa walong milyong Pilipino ang naghahanapbuhay sa iba’t ibang bansa ngayon. Sila ang tinataguriang Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, may 8.5 bilyong dolyar ang ipinasok sa Pilipinas ng mga manggagawang Pilipino na nasa iba’t ibang lugar sa mundo noong 2004. Nakatutulong nang malaki sa kabuhayan ng Pilipinas ang mga ipinadadalang dolyar gayundin sa kani-kanilang pamilya. Bunga nito, ang OFWs ay binansagan na mga bagong bayani ng bayan. Bilang pagkilala sa malaking kontribusyon nila sa ating bansa, pinagkaloooban sila ng ating pamahalaan ng karapatang bumoto kahit sila ay nasa labas ng bansa. Ang Embahada ng Pilipinas sa bansang kanilang pinaghahanapbuhayan ay nagsisilbing sentro ng botohan.

Hindi rin pinagbabayad ng buwis paglalakbay ang mga OFWs. Maaari silang bumili hanggang $2000 sa mga tindahang duty free. Nakahihiram pa sila ng pera para sa pabahay sa ilalim ng PAG-IBIG Overseas Program.

Bukod dito, ang sinumang manggagawang Pilipino na bumalik sa Pilipinas at nagnanais na muling magsilbi sa pamahalaan ay binibigyan ng pagkakataon. Ito ay bilang pagkilala na rin sa kanilang pagkamakabayan.1. Alin sa sumusunod ang sinasabing dahilan ng paghahanapbuhay ng mga Pilipino sa ibang bansa?
a. Nais nilang makatulong sa kita ng Pilipinas.
b. Pangarap nilang makilalang bayani ng bayan.
c. Walang sapat na pagkakakitaan sa sariling bayan.
d. Hangad nilang maranasan ang maghanapbuhay sa ibang bansa.

2. Alin sa sumusunod ang HINDI nasasaad sa seleksyon?
a. Makaboboto ang OFW kahit nasa labas ng Pilipinas.
b. Nakatutulong sa kabuhayan ng Pilipinas ang mga OFW.
c. Libre sa pagbabayad ng buwis sa paglalakbay ang OFW.
d. Makahihiram ng pera ang OFW sa Pag-ibig Overseas Program para mapa-aral ang kanilang anak.

3. Ano ang kahulugan ng salitang maitustos sa pangungusap sa kahon?
Naghahanapbuhay sila sa ibang bansa upang may maitustos sa pamilya.
a. maipon
b. mapaaral
c. maitulong
d. pakinabang
4. Ano ang kahulugan ng salitang binansagan sa pangungusap sa kahon?
Ang OFWs ay binansagan na mga bagong bayani ng bayan.
a. kinilala
b. hinalintulad
c. ipinagmalaki
d. ipinamalita

5. Ano kaya ang katangiang nakatutulong sa OFW upang makapaghanapbuhay sa ibang bansa? Nakatutulong sa OFW ang __________________________.
a. pagiging magalang at palakaibigan
b. kagalingan sa pag-aaral ng ibang wika
c. pagiging matiisin at mahusay sa pakikisama
d. pagiging mapagbigay at mahilig nila sa paglalakbay6. Alin sa sumusunod ang pangunahing kaisipan ng seleksyong binasa?
a. Nakikinabang ang pamahalaan sa mga ginagawa ng OFW.
b. Malaki ang tinitiis ng mga OFW sa kanilang paghahanapbuhay.
c. Nararapat na kilalanin ang pagsisikap ng OFW at ang bunga nito sa bansa.
d. Ang mga OFW ay nagtamo ng maraming benepisyo dahil sa ginagawa nila para sa bansa.

7. Ano ang ginamit ng sumulat ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe nito?
a. Malinaw na isinaad ang suliranin sa seleksyon.
b. Maingat na pinaghambing ang kalagayan ng mga OFW.
c. Tinalakay ang mga sanhi at bunga ng pag-alis ng OFW sa bansa.
d. Isinalaysay ang pagkakasunod ng mga pangyayari sa buhay ng OFW.

8. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa seleksyon?
a. OFW : Para sa Bayan
b. OFW : Para sa Pamilya
c. Kay Hirap Maging OFW
d. OFW: Ating Ipagmalaki


Panuto: Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.


9. Kung isa ka sa mga anak ng OFW, ano ang magagawa mo para maipakita ang pagsuporta at pagpapasalamat sa mga sakripisyo nila sa pagtatrabaho sa ibang bansa?

10. Nais mo rin bang maging isang OFW balang araw? Bakit?

pasagot po kailangan ko po ngayon​


Sagot :

Answer:

1.C

2.A

3.C

4.A

5.C

6.B

7.C

8.A

9.isa lang ang dapat nating gawin Yun ay ang maka pagtapos Tayo Ng pag-aaral at makamit ang pangarap dahil para sa ating mga magulang ang maka pagtapos lang Tayo Ng pag-aaral ay malaking regalo nayun sa kanila dahil na suklian din natin sa wakas ang kanilang pagsasakripisyo sa ibang banda para lang Tayo ay makapagtapos Ng pag-aaral

10.Para sakin Hindi,kasi Hindi madaling mawalat sa pamilya Lalo na't Hindi ka sanay na Wala sila sa tabi mo at Hindi madaling mag trabaho Ng OFW sa ibang bansa kung ang kinahihinatnan mo lang naman dun ay Hindi maayos kaya't mabuti na lang Hindi ka na tumuloy pang maging isang OFW

Explanation:

It's my opinion Po Sana makatulong