👤

PERFORMANCE TASK #4 4TH QUARTER Panuto: Pumili ng isa sa mga larawan at sumulat ng balitang pang-isport.​

PERFORMANCE TASK 4 4TH QUARTER Panuto Pumili Ng Isa Sa Mga Larawan At Sumulat Ng Balitang Pangisport class=

Sagot :

Answer

Halimbawa sa Balitang pang Boxing

Tatlong boksingerong Pinoy ang nakasisiguro na ng bronze medal matapos umusad sa  semifinals ng ginaganap na 2021 ASBC Elite Men’s and Women’s Boxing Championships sa Dubai, United Arab Emirates.

Nagsipagtala ng impresibong panalo sina Mark Lester Durens at Junmilardo Ogayre sa kani-kanilang weight divisions habang nakakuha ng bye at direkta ng susulong ng semis ang dating world champion na si Josie Gabuco.

Nagtala si Durens ng first-round referee-stopped-contest (RSC) win kontra kay Mansour Khalefah ng Kuwait sa men’s light flyweight (46-49kg.).

Nagposte naman ng 5-0 unanimous decision panalo si Ogayre kontra kay Rukmal Prasanna ng Sri Lanka sa men’s bantamweight (56 kg.).

Makakasagupa sa semifinals ni Durens si Daniyal Sabit ng Kazakhstan habang makakatunggali naman ni Ogayre ang top seed na si  Mirazizbek Mirzahalilov ng Uzbekistan.

Hinihintay naman ni Gabuco ang mananalo sa pagitan nina Rasmika Ilangaratha ng Sri Lanka at Gulasal Sultonalieva ng Uzbekistan sa women’s light flyweight division (45-48 kg.).

Sa iba pang resulta, nagwagi naman si Jere Samuel Dela Cruz laban kay Jeewantha Wimukthi Kumara ng Sri Lanka (4-1) upang makausad sa men’s lightweight (60kg.) quarterfinals kontra kay Varinder Singh ng India.

Hindi naman pinalad ang kanilang mga kakamping sina Marvin Tabamo (men’s flyweight, 52kg.), John Paul Panuayan (men’s light welterweight, 64 kg.) at Maricel Dela Torre (women’s lightweight, 57-60kg) makaraang mabigo sa kanilang first round match.

Halimbawa ng Balitang pang Swimming

PINATATAG ng San Beda College ang pangingibabaw sa tatlong dibisyon pagkaraan ng dalawang araw ng NCAA Season 93 swimming competition sa Rizal Memorial Sports Complex pool sa Manila.

Lalo pang umarya ang San Beda Sea Lions, Lady Sea Lions at Sea Cubs sa mga pinakamalapit nilang mga katunggali.

Makaraan ang dalawang araw, lumayo na ng milya -milya ang Sea Lions makaraang humakot ng kabuuang 727 puntos , 470 puntos ang agwat sa pumapangalawang College of St. Benilde na may 257 puntos at 581 puntos ang distansya sa pumapangatlong Arellano University na nakatipon ng 146 puntos.

Nanalasa upang ipagpatuloy ang dominasyon ng Sea Lions sina Anthony Navarro, Michael Sangalang at Luis Evangelista na nagtala ng 1-2-3 finish sa men’s 400m individual medley na dinuplika naman nina Edmund Villa del Rey, Evangelista at Christopher Wing na tumapos ding 1-2-3 sa men’s 200m backstroke bukod pa sa 1-2 finish nina Joshua Junsay at John Henry Gurango sa 100m butterfly.

Sa women’s division, nakalikom ang Lady Sea Lions ng 630.5 puntos para umagwat sa pumapangalawang CSB Lady Blazers na may 429.5 puntos at pumapangatlong Arellano Lady Chiefs na may 88 puntos.

Muling nanguna para sa koponan sina Chloe Ingrid Medina, Christianne Jerez at Elizabeth Belarmino na nagtapos na 1-2-3 sa women’s 200m backstroke kasama sina Katrina Mae Garcia at River Gail Salonga na nagtapos namang 1- 2 sa women’s 400m individual medley.

Samantala sa junior division, halos kalahati na ang kalamangan ng Sea Cubs na mayroon na ngayong 534 puntos sa pumapangalawang CSB-La Salle Greenhills na may 256.5 puntos na nakaungos sa dating pumapangalawang Jose University na bumagsak sa ikatlong puwesto sa natipong 187.5 puntos.

#BrainlyPh