Pagyamanin Natin Tama at Dapat Ba? A. Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Magbigay ng sariling opinion tungkol ditto 1. Naghahanda na ang mga batang pumasok sa paaralan at biglang ibinalita sa radyo na Signal No. 2 na. Ano ang dapat nilang gawin?
2. Sina Aida at Roman ay nakatira malapit sa Mt. Pintubo. Sinabi ng tanggapan ng PHILVOCS na anumang oras ay sasabog ito. Sinikap nilang may sapat na pagkain at tubig bago pumunta sa kabilang bayan. Bakit nila ginawa ito?
3. Nagbabalak ang inyong mag-anak na mamasyal. Ibinalita sa radyo na Signal No.2 na sa inyong lugar. Sa halip na aalis, sinabi ng nanay mo na mag-imbak ng sapat na pagkain, tubig at iba pang mahalagang kailangan sa loob ng limang araw. Bakit ninyo gagawin ito?