Subukin Natin Tukuyin ang inilalarawan ng bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel. 1. Laganap ng katiwalian dahil sa pork barrel sa panahon ni Pangulong A. Gloria M. Arroyo C. Corazon C. Aquino B. Fidel V. Ramos D. Joseph E. Estrada 2. Ang mga tangkang kudeta na naging sanhi ng pagtigil sa paglago ng ekonomiya ay suliraning kinaharap ni Pangulong A. Joseph E. Estrada C. Benigno Simeon C. Aquino III B. Corazon C. Aquino D.Rodrigo R. Duterte 3. Ito ay ilegal na gawain ng tao o malalaking kompanya na mayroong kaugnayan sa pag-iwas ng pagbabayad ng tamang buwis. A. E-VAT C. tax evasion B. sedisiyon D. polusyon 4. Ito ay ang bunga ng pagtatapon ng mga basura sa ilog at usok ng pabrika na isa sa mga suliraning kinaharap ng mga Pilipino sa termino ni Pangulong Fidel Ramos. A. populasyon C. drug addiction B. polusyon D. malnutrisyon