MALAYSIA Ang bansang ito ay nasakop ng Portugal, Netherlands at England. Pangunahing layunin nila ay ang pagkontrol sa sentro ng kalakalan. Sinubukan ng mga Portugues na palaganapin ang Kristiyanismo sa lugar ngunit hindi sila nagtagumpay dahil sa malakas na impluwensiya ng Islam. Hindi gaanong naimpluwensiyahan ng mga bansang nanakop ang kultura ng Malaysia. Dahil sa pagkontrol sa sentro ng kalakalan sa Malaysia, maraming katutubo ang naghirap.
Mga Pamprosesong mga Tanong:
1. Anu-ano ang mga bansang nanakop ng lupain sa Timog-Silangang Asya?
2. Ano ang naging reaksiyon ng mga Asyano sa pananakop ng mga Kanluranin?
3. Paano naapektuhan ng mga patakarang ipinatupad ng mga Kanluranin ang pamumuhay ng mga taga Timog-Silangang Asya?
