👤

Gawain 18: Suriin!
Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyon sa ibaba. Sagutin ang mga gabay na tanong.

Malaki ang utang na loob ni Rudy sa kanyang ate cecil na isang Head nurse sa malaking ospital sa maynila. Dahil sa paghanga rito,kumuha rin sya ng kursong Nursing nang sya ay natapos, tinulungan sya ng kanyang ate na makapasok at mapabilang sa ospital na pinapasukan nito. Lalo syang nagkaroon ng mataas na pagtingin at respeto sa kanyang kapatid dahil sa laki ng tulong nito sa kanya. Nagkaroon ng pagkakataon at nagkasama sila sa department sa pareho ding shift, ang night shift. Sa mga pang araw araw na routine sa ospital, napansin nya na sa kanilang pag uwi ay laging may uwing bag ng mga gamot ang kanyang ate. Lingid sa kaalaman nya,matagal na palang ginagawa ni Cecil mula pa noong sya ay nag aaral pa lamang. Ibinebenta ito ni cecil sa isang maliit na pharmacy malapit sa pamilihan sa kanilang lungsod.Dumating ang pagkakataon at nalaman nya na ang maling gawaing ito ng kanyang ate.Nang minsan silang nagharap tungkol sa isyung ito uamin si cecil sa kanya na totoong nagpupuslit ito ng nga gamot at ito ang naging daan at paraan upang makatapos sya sa pag aaral sa kolehiyo.

Layunin: Opsiyon 1 at Opsyion 2;
Mga pagpipilian/paraan: Opsiyon 1 at 2;
Sirkumstansiya: Opsiyon 1 at 2;
Kahinatnan: Opsiyon 1 at 2;


pa help po.


Sagot :

Answer:

Opsiyon 1

Kakausapin ko ang aking ate sa kanyang hindi magandang gawain na pagnanakaw ng gamot sa hospital na pinagtatrabahuan namin na itigil niya ito kung ayaw niyang sabihin ko ito sa pamumuan ng hospital. Kahit kapatid ko siya ay hindi ko konsentihin na ipagpapatuloy niya ang ganitong gawain kahit sabihin pa niya na ito ang daan para makatapos ako ng aking pag-aaral .dahil mali.

Opsiyon 2

Sasabihin ko sa aming mga magulang ang ginagawa ni ate ko kapag hindi niya ititigil ang mali niyang gawain.Hindi ako mag-atubiling isumbong siya sa mga ito para matigil na ito dahil mali ang pagnanakaw maliit man o malaking bagay,

Kahinatnan 1

Maaring dismayado o magagalit siya sa akin sa aking pakikiaalam ngunit mali ang kanyang gawain kaya kausapin ko siya na itigil na niya ito kung hindi niya gustong ipaalam ko sa hospital.

kahinatnan 2.

Magagalit siya sa akin ngunit ito lang ang tanging paraan para maitama ang mali niyang gawain.