Panuto:Basahin ang pangungusap. Isulat ang T kung nagpapahayag ng panuntunang
pangkalusugan at pangkaligtasan sa paggawa at M kung hindi.
1. Magsuot ng angkop na kasuotan sa paggawa.
2. Ilagay ang mga kasangkapan sa matibay na lalagyan.
3. Pumili ng isang maaliwalas, ligtas, at malinis na lugar kung saan isasagawa ang
proyekto.
4. Makipag-usap sa kaklase o kaibigan habang gumagawa ng proyekto.
5. Maaaring ilagay ang mga matutulis na bagay sa bulsa.
6. Tiyaking kumain at nakapagpahinga nang maayos bago gawin ang proyekto.
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.
7.Alin ang ginagamit para mabuo o maporma nang madalian ang gustong disenyo?
A. brotsa B.dahon C. rondilyo D. siyense
8.Alin ang hindi isang kasanayan sa paggawa ng disenyo sa pagbuo ng produktong gawa
sa ceramics?
A. pagbabadyet B.pagkukulay C. pagpuputol D. pagsusukat
9.Alin ang hindi ginagamit sa pagbuo ng produkto na gawa sa ceramics?
A. espongha B.luwad C. martilyo D. siyense
10. Alin dito ang nagpapakita ng tamang panuntunang pangkalusugan at
pangkaligtasan sa paggawa?
A. Magsuot ng angkop na kasuotan.
B. Gumawa ng sariling proseso sa paggawa.
C. Ilagay ang mga matutulis na kagamitan sa bulsa.
D. Gumawa ng proyekto sa silid na mainit at madilim.
11.Alin sa mga kasanayan sa ibaba nakasaad ang pangalan ng proyekto at pamamaraan
sa paggawa nito?
A. paghuhulma B.pagkukulay C. pagpapakinis D. pagpaplano
12. Gusto mong maging makulay at kaaya-ayang tingnan ang produktong iyong ginawa
na yari sa ceramics. Aling mga kagamitan ang iyong gagamitin?
A. dahon at papel C. pamutol at siyense
B. espongha at luwad D. pintura at brotsa
13. Anong kasanayan ang nagbibigay katangian sa isang bagay gamit ang iba’t ibang
kasangkapan na may kalibra?
A. paghuhulma B. pagpapakinis C. pagpuptol D. pagsusukat
14.Bakit kailangang basain ng tubig ang luwad?
A. para tumigas ito at makagawa ang luwad
B. para lumambot at masunod ang nais na hugis
C. para mas lalong maging matingkad ang luwad
D. para maging makinis at kaaya-ayang tingnan