👤

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Tukuyin Mo

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pagsisinungaling ang isinasabuhay ng mga tao sa sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa kahon.

1. Ipagkakalat ni Flor na ampon ang kaniyang kaklase kahit na ito ay hindi naman totoo. Naiinggit kasi siya rito dahil maraming tao ang nais na makipagkaibigan sa huli.

2. Pinatatawag sa paaralan ang magulang ni Joey dahil sa isang paglabag

sa panuntunan sa paaralan. Sa takot na mapagalitan, humanap siya ng ibang kakilala na magpapanggap na magulang niya.

3. Kilala si Angelo sa kaniyang labis na pagiging madaldal sa klase. Madalas na nahuhuli siya ng kaniyang guro na hindi nakikinig sa klase at sa halip ay kinakausap at ginagambala ang kaniyang kaklase. Kapag siya ay nahuhuli ng guro sinasabi niya na nadadamay lamang siya dahil palagi siyang kinakausap ng kaklase.

4. Pumunta kayo sa kaarawan ng isang kaklase kasama ang inyong mga kaibigan. Hindi nakapagpaalam sa kaniyang mga magulang ang iyong matalik na kaibigan dahil alam niya na hindi naman siya papayagan at dahil ginabi kayo sa pag-uwi nagdahilan ka na lamang sa kanyang mga magulang na may tinapos kayo na gawaing pampaaralan.

5. Sa inis ni Mutya sa kanyang kaklase na si Shena dahil ito na naman ang top sa klase ay naisipan niya itong gawan ng kuwento. Ipinagkalat niya na ito ay nabuntis ng kasintahan at dahil doon ay nagpalaglag ito. Nalaman ito ni Shena kaya nagtampo ito at di na kinausap si Mutya.​


Gawain Sa Pagkatuto Bilang 2 Tukuyin MoPanuto Tukuyin Kung Anong Uri Ng Pagsisinungaling Ang Isinasabuhay Ng Mga Tao Sa Sumusunod Na Sitwasyon Piliin Ang Pinaka class=