👤

Gawain 2 Tukuyin kung ang sumusunod na salita o pariralang nakasalungguhit ay ginamit sa denotasyon o konotasyong pagpapakahulugan. Isulat ang denotasyon o konotasyon sa sagutang papel.
1. Huwag kang lumapit sa nagbabagang apoy at baka mapaso ka.
2. Madalang na lamang tayong makakita ng mga tanim na kawayan. 3. Mga naggagandahang bulaklak ang ipinaparada taon-taon sa Panagbenga Festival.
4. Isa siyang maningning na ilaw sa gitna ng kalungkutan dahil sa pag-asang dala niya.
5. Isang iyak pusa ang aking kapatid, maliit na bagay lamang ay agad na siyang umiiyak.
6. Nakatutuwang pagmasdan ang makulay na bahaghari sa kalangitan pagkatapos ng ulan.
7. Mag-ingat ka sa mga salitang gagamitin mo kapag kakausapin mo na siya dahil siya ay balat sibuyas.
8. Matibay ang haligi ng tahanan nila kahit ilang malalakas na bagyo na ang nagdaan ay hindi pa rin ito natitibag. 9. Maituturing na tila isang walis tingting ang kanilang klase dahil sa pagtutulungan at pagkakaisang kanilang ipinamalas.
10. Isang kaligayahan para sa mga magulang ang makita ang kanilang mga anak na nagsusunog ng kilay para sa kanilang pag-aaral.​