Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat ang letrang A kung ang pangungusap ay tama at isulat naman ang letrang B kung ang pangungusap ay mali. 1. Ang pantasya ay likha ng malikhaing isip. 2. Ang pangarap ay dapat malapit sa katotohanan 3. Ang pangarap ay binubuo ng mga mithiin sa buhay. 4. Mas makatotohanan ang pantasya kaysa sa pangarap 5. Ang panaginip ay likha ng isipan habang tayo ay natutulog 6. Ang taong may pangarap ay laging positibo sa lahat ng bagay. 7. Ang taong may pangarap gagawin lahat masama man ito o mabuti. 8. Kapag may pangarap ang tao hindi siya basta-basta sumusuko. 9. Sa pagpili ng iyong mithiin kailangang mong maging responsible. 10. Hindi na kailangan ang mga praktikal na pamantayan sa pagtatakda ng mithiin 11. Matutupad ang pangarap basta may tiwala ka sa iyong sarili kahit hindi ka na manalangin sa Diyos. 12. Ang pangarap ito ang gustong makamit, maabot, marating o patunguhan pagdating ng tamang panahon. 13. Ang pagkakaroon ng hakbang sa pagtatakda ng mithin ay makakatulong sa pagkamit ng iyong pangarap. 14. Ang taong may pangarap ay hindi tamad at pinagtatrabahuhin nya ng maayos ang bawat gawain. 15. Upang mag pursigi ka na gawin ang bawat mithin kailangan sinusunod mo ang itinakdang panahon sa pagtupad nito.