wain 1: auto: Tukuyin kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan o opinyon batay sa paksang tinalakay. Isulat sa linya ang K kung ito ay katotohanan at O kung opinyon. 1. Ang pagbubukas ng Pilipinas sa kalakalang pandaigdig ay nagdulot ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. 2. Ang mga anak ng clase media na nakapag-aral sa ibang bansa ay naimpluwensiyahan ng mga kaisipang Kanluranin na naging daan upang limutin nila ang lupang kanilang sinilangan. 3. Si Carlos Maria de la Torre ay kinatatakutan ng maraming Pilipino dahil sa pagiging malupit nito. 4. Ang pagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral ang mga anak ng mga Pilipino kabilang sa panggitnang uri ay nakatulong nang malaki sa pagsulong ng nasyonalismo sa bansa. 5. Magkaiba ang mga paaralan para sa kababaihan at kalalakihan noong panahon ng Espanyol. 6. Ang pagtatag ng mga paaralan ay isang paraan upang maitanim sa isipan ng mga mag-aaral ang Kristiyanismo. 7. Ang Rebolusyong Pranses ay nagdulot ng malaking takot sa mga Pilipino kaya't pinili na lamang nilang sundin ang mapaniil na pamamahala ng mga Espanyol. 8. Nagtatag ng mataas na paaralan ang pamahalaang Kastila upang madagdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral 9. Ang paaralang Nuestra Senora del Rosario sa Maynila na naging Kolehiyo ng Santo Tomas ay itinatag ng mga Dominiko para sa mga lalaki. 10. Ang pag-unlad ng kabuhayan ng mga negosyante at mangangalakal ang nagbunsod sa paglitaw ng pangkat ilustrado.