1. Kung mahalaga lang sa iyo ay ang iyong pamilya at hindi ang iyong kapwa: Masaya ka ba? Matututo ka ba? Uunlad ka ba? Magiging ganap ka ba? 2. Nag-aaral ka ba nang mabuti? Iniisip mo bang ang mga pagod at puyat mo sa pag-aaral ay hindi para lang iyo kundi para maging kapakipakinabang din sa ibang tao? 3. Bakit ayaw mong tumulong sa iyong kapwa? Sinusunod mo ba ang mga payo ng iyong magulang, nakakatandang kapatid at mga opisyal sa iyong barangay o kung ino mang nasa awtoridad? Nakikilahok ka bas a mga grupo na may iisang layunin? 4. May nakita kang nangyaring krimen, sasabihin mo ba ang nakita mo kahit na may banta sa buhay mo? Kailan ka dapat tumahimik at dapat magsalita? 5. Ano ang nagawa mo para sa bansa? Ilang basura ang iyong itinapon na lamang sa daan o sa maling lalagyan? Ilang beses ka nang sumingit sa pila? Kailan ka tumulong sa isang taong nangangailangan ng iyong tulong? May pagkakataon naba, na nagging inspirasyon ka sa iba upang gumawa ng tama at mabuti?