6. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa bayan? A. Pagtangkilik ng sariling produkto. B. Pagpapatibay ng ugnayang panlabas. C. Pakikipag-ugnayan sa iba't ibang bansa. D. Pag-angkat ng mga produkto sa ibang bansa. 7. Ano ang TAMA sa pahayag na ito? Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay-daan ito upang ang mga Asyano ay matutong: A. Maging mapagmahal sa kapwa. B. Maging laging handa sa panganib. C. Makisalamuha sa mga mananakop. D. Pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin 8. Aling pahayag ang nagpapamalas ng nasyonalismo? A. "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa B. "Ang pag-ibig sa bayan ang susi sa kaunlaran" C. "Magsakripisyo tayo upang tayo mismo ang umasenso" D. "Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ng iilan ang kailangan" 9. Bilang isang mag-aaral at mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pananakop, paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal sa bayan bilang hakbang tungo sa paglaya? 1. Pagtangkilik sa mga produktong banyaga. 2. Pagtangkilik sa mga produktong sariling atin. 3. Pakikiisa sa mga Pilipinong nagsusulong ng paglaya. 4. Pagsunod sa mga patakarang ipinatupad ng mga mananakop. A. 1 at 2 B. 2 at 3 C. 3 at 4 D. 1 at 4 10. Bakit nabuo ang kilusang nasyonalismo sa Pilipinas? I. Dahil sa Sekularisasyon II. Dahil sa pagpasok ng kaisipang liberal sa bansa III. Dahil sa paggarote sa tatlong Pari o GOMBURZA A. I at II ay tama B. II at III ay mali C. I, II, at III ay tama D. 1, II ay tama at III ay mali