Sagot :
Answer:
Ang ibigsabihin naturalisasyon ay isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na gustong maging isang mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte o hukuman. Kapag naging o nabigyan na ng pagkamamamayang Pilipino ang isang dayuhan, kailangan niyang sumunod sa mga batas at kultura ng bansa. Magagamit din rin niya ang mga karapatan o prebelehiyo ng isang mamamayang Pilipino maliban sa mahalal sa matataas na posisyon sa pamahalaan ng bansa.
- Ito ang mga Katangian ng Isang Dayuhan na nais Maging Naturalisadong Pilipino
- Dapat siya ay nasa dalawampu’t isang taong gulang na.
- Dapat siya ay naninirahan sa Pilipinas nang tuloy- tuloy sa loob ng sampung taon. Pwede o maaari lamang maaaring maging limang taon na lamang kung:
- Ipinanganak siya sa Pilipinas;
- Nakapag-asawa siya ng isang Pilipino
- Nakapagturo siya ng dalawang taon sa pribado o pampublikong paaralan; Kung mayroon siyang bagong pagawa na industriya o nakaimbento ng isang bagong imbensyon sa Pilipinas.