Sagot :
Frontliners
Ang mga frontliners at maituturing nating mga bayani
Handang magserbisyo at ialay ang sarili
Para sa ikabubuti
At kaligtasan ng nakakarami
Nakakahawang sakit ay hindi alintana
Tungkuling lamang ay magawa ng tama
Para sa mga taong sa kanila ay umaasa
Sumisimbolo sila ng pag-asa
Sila ay maituturing bilang mga bayani ng makabagong henerasyon
Hindi nagrereklamo at patuloy lang sa paggawa ng aksyon
Hirap man ay sapitin
Magawa lamang ang tungkulin
Ang mga frontliners ay ating kilalanin
Sila ay bigyan natin ng pansin
Dahil ang ginagawa nila ay para sa atin
Upang siguraduhin ang kaligtasan natin
Mahirap man ang buhay dahil sa pandemya
Marami mang nakakahawang sakit ang naglipana
Wala silang takot na gawin
Ang mga nakaatas sa kanilang tungkulin
Nakakahawang sakit man ay lubhang mapanganib
Ang pagtulong sa kapwa ang namumutawi sa kanilang dibdib
Buhay man ang kapalit ng kanilang tungkulin
Masigurado lamang ang kaligtasan natin
Ang mga frontliner ay bayaning tunay
Dugo at pawis ay kanilang inalay
Para sa mga mamamayan
Maging para sa bayan
Para sa iba pang impormasyon, maaaring bisitahin ang link sa ibaba:
brainly.ph/question/6996267
#SPJ1