👤

Panuto: Isulat ang W kung wasto ang pangungusap at DT kung mali ang pahayag.
1. Ayon kay Feliciano Fajardo ang pagsulong ay bunga ng pag-unlad na isang progresibo at
aktibong proseso.
2. Ang tunay na kaunlaran ay magiging makabuluhan sa tao hindi lamang sa pagdami ng mga
namumuhunan at trabaho sa bansa sa halip ay ang pag-angat ng kabuhayan ng mga nasa mababang
antas ng pamumuhay.
3. Inilahad ni Amartya Sen na ang kahulugan ng pag-unlad sa dalawang magkaibang konsepto,
ang tradisyunal at makabagong pananaw.
4. Ang Pagsulong ay nakikita at nasusukat katulad ng daan, gusali at mga pagamutan ayon
naman sa diksyunaryo ng Merriam-Webster.
5. Naniniwala si Feliciano Fajardo na ang pagsulong at pag-unlad ay magkatulad.
6. Mas maraming output ang nalilikha sa isang bansa kung maalam at may kakayahan ang mga
yamang-tao nito.
7. Ang Human Development Index (HDI) ay sumusukat ng kalusugan, edukasyon, at antas ng
pamumuhay na tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang
mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao.
8. Sinusukat sa Human Development Index ang antas ng pag-unlad ng isang bansa sa aspekto ng
edukasyon sa pamamagitan ng mataas na illiteracy rate ng isang bansa.​