👤

ano ang maaari mong gawin upang maiwasan ang magkaroon ng climate change​

Sagot :

Paraan para maiwasan ang CLIMATE CHANGE

1.Magpalit ng inyong gamit na bumbilya. Gumamit ng tinatawag na compact fluorescent light bulbs (CFLs).

2. Buksan ang inyong mga bintana. Hayaan natin na makapasok ang natural na ilaw o liwanag sa ating mga tahanan. Kung hindi rin lang kainitan ay huwag nang buksan ang inyong aircon.

3. Maglaba nang maramihan. Ipunin ang inyong maruruming damit at labhan ito nang sabay-sabay para makatipid sa paggamit ng kuryente. Isampay na lamang ang damit upang matuyo.

4. Bunutin ang plug ng mga appliances kung hindi rin lang ginagamit. Ang mga TV, stereo, at video players na naka-stand-by mode ay kumukunsumo pa rin ng kuryente. Bunutin ito kung hindi naman ginagamit. Bumili lamang ng mga kasangkapan na matipid sa kuryente.

5. Panatilihing maayos ang inyong mga sasakyan. Siguraduhing ang makina ng sasakyan ay nasa ayos at ang mga gulong ay may sapat na hangin. Ang sasakyang wala sa kondisyon ay maaksaya sa gasolina.