Sagot :
Answer: Ang mga salik na nakaaapekto sa aking pagpapasya, ay ang mga sumusunod:
1) Mga dating karanasan – ang mga nangyari sa nakaraan ay nakaaapekto sa pipiliin natin sa hinaharap. Ganun din sa akin. Kung mabuti ang karanasan, malaki ang tsansa na piliin ko ito, ngunit kung hindi mabuti ang karanasan, medyo malabo na ulitin ko pang muli iyun.
2) Mga paniniwala – ang paniniwala, sang-ayon man ang iba o hindi, ay malaking konsiderasyon ng isang indibidwal sa pagpili niya. Dahil ang paniniwala ay bahagi ng ating pagkatao. Kung ano ang paniniwala natin, madalas ay doon nakahulma ang takbo ng buhay natin.
3) Talento at Kasanayan (skill) – kung mayroon mang tao na higit na nakakikilala sa sarili mo, iyun ay ang sarili mo. Kaya sa pagpili, iniisip ko kung saan ba ako magaling? Ano ang talento at kasanayan ko? Ano ba yung bagay na kapag ginagawa ko ay nag-eexcel ako? At habang nag-eexcel ako ay masaya ang puso ko? Madalas naman, kung saan tayo magaling, yun din ang gusto nating tahakin.
4) Pinansyal – malaki ring salik ang pinansyal. Tulad na lang sa pag-aaral. Hindi ka basta-basta makakapag-aral kung walang pera. Kaya kahit napagdesisyunan mo nang mag-aral, kung wala namang pera, hindi rin maisakakatuparan. O kaya, kung nais mong maging doctor, o kumuha ng masters degree, kailangan handa ka rin sa pinansyal na demand nito.
Ang apat sa itaas ay ilan lamang sa maaaring makaapekto sa desisyon ng tao. Lahat tayo ay may iba't ibang pinanggalingan o background kaya hindi malabong iba-iba rin ang pinakamalaking salik na nakaaapekto sa desisyon natin.
Explanation:ctto:pinay1990