PANAPOS NA PAGSUSULIT lodyu isuri: Ana N PANUTO: Piliin at isulat ang letra ng wastong sagot sa patlang. 1. Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na "ngayong pudpod na ang parang, lilipat sa iba ang baling." A. Maraming dumadayo sa parang. B. Walang pumapansin sa kaparangan. C. Walang nabubuhay na damo sa kaparangan. D. Di na pinapansin ang isang bagay na wala ng pakinabang. D 2. Bakit hindi pinatay ni Simoun si Basilio kahit na alam nito ang kanyang lihim? A. Naaawa siya dahil pareho na silang ulila. B. May utang na loob siya sa magulang nito. C. Naaawa siya dahil sa hirap na pinagdaanan nito. D. Nais niyang maging kakampi ito sa paghihimagsik. 3. Naging marangal ang kanyang puso at nagpamalas ng hindi pagkiling. A. Basilio B. Isagani C. Mataas na Kawani D. Simoun 4. May masamang kutob na si Juli subalit nagpatuloy pa rin siya sa pagpunta sa kumbento sapagkat A. nais niyang makalaya si Basilio. B. nagtiwala siya kay Hermana Bali. C. natatakot siya kay Padre Camorra. D. naniwala siya na makikinig ang pari. 5. Ano ang nais patunayan ng pagbibitiw ng Mataas na Kawani sa kanyang tungkulin? A. Di niya kaya ang trabaho. B. Natakot siya sa Kapitan Heneral. C. Makahahanap siya ng ibang trabaho. D. May delikadesa at nananangan sa tunay na katarungan.