1. Basahin nang may pag-unawa ang mga pahayag.Pilin at isulat sa patlang ang titik ng 11. Aling pangungusap ang maari mong sabihin upang maisalaysay mo ang balita? A. Alam niyo na ba na may paparating na bagyo sa ating bansa? B. Magsilikas na tayong lahat dahil may paparating na bagyo sa atin. C. Huwag tayong maniwala sa mga balita dahil walang katotohanan iyon. D. Ayon sa balita na narinig ko sa radyo, may paparating na napakalakas na bagyo sa ating bansa. 12. Kung ikaw ay magtatanong, aling pangungusap ang gagamitin mo? A. Hala! Paparating na ang napakalakas na bagyo. B. Matulog kayo nang maaga para maaga kayong gumising. C. Kailan dumating sa ating bansa ang napakalakas na bagyo? D. Magsipaghanda tayong lahat dahil paparating na ang napalakas na bagyo. 13. Paano mo uutusan ang iyong kapatid na maghanda para sa paparating na bagyo? A. Hoy! Matulog ka na. B. Maghanda ka dahil may paparating na napakalakas na bagyo. C. Bakit maghahanda tayong lahat para sa paparating na bagyo sa atin? D. Pumunta ka na sa paaralan para maging ligtas ka sa paparating na bagyo. 14. Ano ang naging reaksiyon mo sa napapakinggang balita? A. Naku! Nakakatakot ang paparating na bagyo. B. Mga kapitbahay alam niyo na ba ang balita ukol sa bagyo? C. Gumising kayong lahat may darating na mga pulis sa ating barangay. D. Aray! Biglang sumakit ang aking ulo nang makita ko ang mga itim na ulap. 15. Paano mo pakiusapan ang iyong kaibigan na ayaw lisanin ang kanilang bahay? A. Lumikas na tayo dahil nasa panganib na ang ating mga buhay. B. Lilisanin mo na ang iyong bahay dahil napakalakas na ng bagyo! C. Maari bang maglinis muna tayo ng bahay dahil wala pang bagyo? D. Maari bang lisanin mo ang iyong bahay para ligtas ka sa paparating na bagyo?