👤

Ang ikalawang Digmaang Opium​

Sagot :

KASAGUTAN

Ang ikalawang Digmaang Opium ay naganap noong 1856, bunga ng ginawang paglupig ng isang pangkat ng mga Tsino sa isang sasakyang pandagat ng mga British na may lulang opium. Sa pagkakataong ito, ang puwersa ng mga British ay tinulungan ng mga Pranses laban sa mga Tsino. Kasabay ng nasabing pangyayari, kinamkam ng mga Russian ang teritoryong Ussuri at itinatag dito ang Vladivostok,

isang base militar sa Pacific.

Noong 1879, kinamkam naman ng Japan ang pulo ng Rukyu, lalawigan ng Formosa, Liaotung Peninsula. Pagsapit ng 1885, ang karamihan ng lupain ng Tsina ay nasa kamay na ng mga Europeo. Ang Ikalawang Digmaang Opium ay winakasan ng kasunduan sa Tientsin ( Tientsin Convection ).