👤

3. Ano ang tawag sa mga larawang mabilisan subalit bihasang ipininta sa mga
dinding na basa ng plaster upang kumapit nang husto sa pader ang mga
pigment ng metal at mineral oxide?
4. Noong 1899, sinong English Archeologist ang nakahukay sa Lungsod ng
Knossos na kabisera ng Kabihasnang Minoan?
5. Ano ang mahalagang simbolo sa kabihasnang Minoan na ginagamit sa mga
ritwal na panrelihiyon? Iniaalay din ito sa kanilang mga Dios at inilalagay sa
kanilang mga pook sambahan
6. Sino ang nakahukay sa guhong labi ng Mycenae, ang pinakamalaking lungsod
na matatagpuan sa Argos?
7. Isang ritwal na sinasabing pinagmulan ng alamat ng Minotaur. Ipinakikita nito
ang pagsunggab ng mga binata at dalaga sa sungay ng toro, paglukso at
pagsirko sa likod nito.
8. Ano ang dalawang uri ng sistema ng pagsulat ang nakita nina Michael Ventris
(cryptologist) at John Chadwick (classical scholar) sa mga Mycenaean?
9. Anong pangkat ang naging makapangyarihan sa pamayanang estado ng
Peloponnesus sa kabihasnang Mycenean?
10. Isang tulang epiko na isinulat ni Homer na nagsasalaysay sa pagsakop ng
Mycenea sa lungsod ng Troy.​