Ang tanong, alin sa mga ito ang totoo, at alin ang naman ang opinyon lamang? Paano natin makikilala ang bawat isa? Halimbawa: A.1. Batay sa resulta, siya ay pang siyam sa mga kumuha ng eksaminasyon. 2. Dalawang kurso ang natapos ni Dr. Mark P. Dumago. Ang mga pangungusap na ito ay nagpapahayag ng katotohanan, sapagkat may pinagbabatayan at tunay na nangyari. B.1. Sa pakiwari ko siya ay magiging magaling na pesisyan. 2. Sa tingin ko ay kakayanin niya itong mapagtagumpayan. Ang mga pangungusap na ito ay halimbawa ng opinyon, sapagkat ito ay nagpapakita ng sariling ideya ng isang tao. Maaaring ito ay kuro-kuro lamang ng isang tao batay sa kanyang obserbasyon, pagtingin o ayon sa kanyang paniniwala.