Answer:
Ang (1)pagkamamamayan ng isang indibidwal ay nakabatay sa pagtugon niya sa kaniyang mga (2)tungkulin sa lipunan at sa paggamit ng kaniyang mga (3)karapatan para sa kabutihang panlahat. Ang mamamayan ngayon ay hindi tagasunod lamang sa mga ipinag-uutos ng (4)pamahalaan sapagkat wala namang monopolyo ang pamahalaan sa mga patakarang ipatutupad sa isang (5)estado. Kung gayon, hindi niya inaasa sa pamahalaan ang (6)kapakanan ng lipunan sa halip, siya ay nakikipagdiyalogo rito upang bumuo ng isang kolektibong pananaw at tugon sa mga hamong kinakaharap ng lipunan. Ayon kay Yeban (2004), ang isang responsableng mamamayan ay inaasahang (7)makabayan, may (8)pagmamahal sa kapuwa, may (9)respeto sa karapatang pantao, may pagpupunyagi sa mga bayani, gagap ang mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan, may (10)disiplina sa sarili, at may kritikal at malikhaing pag-iisip.
Explanation:
Thank You!