👤

I. Panuto: Tukuyin kung anong yugto nang kasaysayan ng gender roles sa Pilipinas ang ipinahahayag sa sumusunod na pangungusap. Piliin at isulat ang sa sagutang papel ang TITIK ng tamang sagot.

A. Kasalakuyang Panahon
B. Panahon ng Hapones
C. Panahon ng Espanyol
D. Panahon ng Amerikano
E. Panahong Pre-kolonyal

_____1. Limitado ang karapatang taglay ng kababaihan dahil batay sa kanilang batas, tinitingnan ang kababaihan na mas mababa kaysa sa kalalakihan.
_____2. Parehas na lumaban ang mga kalalakihan at kababaihan noong Ikalimang Digmaang Pandaigdig.
_____3. Ang mga babae, may trabaho man o wala, ay inaasahang gumawa ng mga gawaing-bahay.
_____4. Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lang dapat bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.
_____5. Ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit, maaring patawan ng parusang kamatayan ang asawang babae sa sandaling makita niya itong may kasamang lalaki.

II. Panuto: Suriin ang mga pangungusap. Isulat ang titik "K" kung ang sitwasyon ay naglalarawan ng karahasan at "D" kung nagpapahayag ng diskriminasyon.

_____6. Ang sapilitang pagtatalik o pamimilit sa isang tao kahit labag sa kalooban.
_____7. Sinusubukan kang kontrolin sa paggastos sa pera at kung saan ka pupunta.
_____8. Laganap pa rin ang pagbibigay ng trabaho ayon sa kasarian o pananaw para sa babae at lalaki.
_____9. Ang babae ay itinuturing na mahina, walang silibi sa lipunan at sa bahay noong unang panahon.
_____10. Ang pagsusubaybay sa bawat kilos ng isang tao sa pamamagitan ng social media.