Panuto: Bilugan ang pangatnig na bubuo sa pangungusap. Pumili sa mga pangatnig na nasa loob ng panaklong. 1. Sa panahon ng krisis, tumataas ang presyo ng mga bilihin ( upang, bago, dahil) sa taas ng demand sa merkado. 2. Hindi ako nakatulog kagabi (dahil, kasi, sapagkat) masyadong maingay ang aking kapit- bahay. 3. Magsasanay ako tuwing hapon (para, upang ) gumaling ako sa pagtugtog ng piyano. 4. Mahimbing pa rin ang tulog ni Juan (bagama't, kahit ) napakalakas ng tilaok sa kanyang bakuran 5. Pagod na si Carlo (subalit, ngunit) hindi siya makatulog. 6. Si Patrick ang titingin sa nakababatang kapatid na natutulog (bagamat, at, kasi) may kailanagn pa rin siyang tapusing gawaing bahay. 7. Maaari tayong tumawid sa kalye (kapag, kaya, at) berde na ang ilaw. 8. Alin dito ang dadalhin mo bukas, ang itim na pantalon (o, at. nang) ang bagong maong? 9. Lapis, pambura ( kaya, at, kasi ) pantasa lang ang kailangan kong dalhin sa pagsusulit. 10. Nais kong mamasyal sa mall (bago, subalit, sapagkat) hindi pa rin maari ang mga bata ng mga manok sa mall. Pagsasanay 2: Panuto : Sumulat ng maikling talata na binubuo ng limang pangungusap. Gumamit ng pangatnig sa pagbuo ng talata.​