Sagot :
Answer:
"Ang Kahirapan"
Kahirapan,kahirapan,
Isang malaking problema ng bayan,
Maraming naaapektuhan na mamamayan
Lalo't higit ang mga kabataan.
Kahirapa'y pwede namang matugunan,
Tumulong lang gobyerno't pamahalaan,
Isama na rin ang mamamayan,
Upang ang kahirapan ay masolusyonan.
Kahirapa'y atin ding problema,
Lalo na't tayo'y mga bata pa,
Huwag lang tayo mawalan ng pag-asa,
Dahil balang araw,Aahon rin tayo sa kahirapang ating problema.
Sabi nga ni Gat Jose Rizal,tayo ang pag-asa ng bayan,
Tayo ang mag aahon sa ating kahirapan,
Ngunit dapat natin itong pagsikapan,
Upang lahat ng dadating na pagsubok,ating matagumpayan.
Ako'y isang batang nangangarap din,
Ngunit hindi ang kahirapan ang siyang hahadlang sa akin,
Pag-aralan ko lang ang mga aralin,
Upang walang dudang makakamit ang aking mga mithiin.
Para sa inyong nangangarap katulad ko,
Sana'y huwag lalaki ang ulo niyo,
Dahil mga magulang nati'y nagsisikap ng husto,
Upang lahat ng ating mga pangarap ay walang duda nating matamo.