👤

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Basahin at unawain ang maikling
kuwento sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong tungkol
sa kuwento sa iyong sagutang papel
Kakayahan ko, Ibabahagi ko
NI J.P.Pantaleon
Si Angela ay pitong taong gulang na nasa
ikalawang baitang ng Mababang paaralan ng
San Isidro. Mahusay siyang sumayaw. Isinali siya ng
kaniyang guro sa paligsahan sa pagsayaw
kalaban ang ibang paaralan at nagkamit siya ng
unang puwesto.
Magaling din siyang gumuhit. Kaya
naman isinasali din siya sa mga paligsahan ng
poster making at nagkakamit din siya ng
gantimpala. Masayang ibinabahagi ni Angela
ang mga kakayahan niyang ito sa kaniyang
kaklase at kaibigan. Lagi siyang
nagdarasal at nagpapasalamat sa Diyos dahil sa mga kakayahang
taglay niya.
I mga
1. Sino ang batang magaling sumayaw at gumuhit sa kuwento?
2. Paano niya ipinakita ang kaniyang kakayahan sa pagsayaw?
3. Paano naman niya ipinakita ang kaniyang kakayahan sa pagguhit?
4. Paano niya ipinakita ang kaniyang pasasalamat sa Diyos sa mga
taglay niyang kakayahan?
5. Sa iyong palagay, dapat bang ipakita at ibahagi sa iba ang ating
kakayahan at talino? Bakit?​


Sagot :

1.Si Angela

2.Ginalingan niya kaya niya nakamit ang unang puwesto

Explanation:

yan lang po alam ko

1. Si Angela

2.Sumali siya sa paligsahan sa pag sasayaw.

3.Isinali rin sa paligsahan ng poster making.

4.lagi siyang nagdarasal sa Diyos.

5.opo,dahil hindi lahat ng tao ay may angking kakayahan na kayang gawin ng karamihan,kailangan nating ipahagi sa iba ang ating kakayahan at talino para ipakita ang labis nating saya dahil sa iniregalo sa atin ng Diyos.