Sagot :
Answer:
Hakbang 1: Tukuyin ang isyu
Kung sa tingin mo ay hindi ka tumatanggap ng tamang sahod o mga karapatan sa trabaho, mahalagang pag-aralang mabuti kung ano talaga ang isyu. Maaaring makatulong ang pakikipag-usap sa isang kasamahan o kaibigang pinagkakatiwalaan mo upang matukoy kung ano ang problema, at kung sa tingin mo ito ay kailangang ayusin.
Mahalagang kumilos kaagad para hindi na lumala pa ang problema.
Hakbang 2: Alamin ang batas
Isang madaling paraan sa pag-ayos ng mga isyu sa trabaho ang pagtiyak na sinusunod mo ang batas.
Alamin ang mga batas tungkol sa:
sahod
pagtatapos ng trabaho
mga pay slip at pagtatabi ng rekord
kabayaran sa bakasyon
bakasyon ng maysakit at tagapag-alaga
bakasyon ng magulang
Maaari mo ring gamitin ang aming online na Kalkulador ng Sahod para kalkulahin ang minimum na tantos ng sahod, mga multa at mga allowance na kailangang bayaran.
Hakbang 3: Paglutas ng isyu sa lugar ng trabaho
Kapag natukoy mo na ang isyu at nalaman ang batas, makipag-ayos ng oras para kausapin ang iyong taga-empleyo o empleyado tungkol sa isyu. Dapat kang maghanda para sa talakayang ito sa pamamagitan ng pag-alam sa mga isyu na gusto mong pag-usapan. Makakatulong din ang maghanda ng ilang mga mungkahing magiging paraan para malutas ang isyu.
May ilang mga paraan upang lutasin ang isyu sa lugar ng trabaho, kabilang ang:
pagbibigay ng paliwanag tungkol sa mga karapatan sa lugar ng trabaho
pagbabayad ng mga utang na karapatan
Pag-update ng mahahalagang patakaran at mga pamamaraan
pagbibigay ng pagsasanay.
Kung sinubukan mo nang kausapin ang iyong taga-empleyo o empleyado, maaari mo pa ring talakayin ang iyong mga isyu sa pamamagitan ng pagsulat. Tandaan na:
malinaw sa ibalangkas ang isyu
kung may perang inutang, tukuyin ang halaga at para saan ito
sumangguni sa iyong nakaraang mga talakayan
isama ang mga pang-suportang impormasyon, tulad ng mga pay slip o mga naka-print na impormasyon sa website na ito o sa iba pang mga pinagkunan
bigyan ang iyong taga-empleyo o empleyado ng sapat na panahon upang makatugon
magtabi ng kopya ng sulat o email.
Hakbang 4: Humingi ng tulong sa amin
Kung sinunod mo ang mga hakbang sa itaas at hindi mo pa rin nalutas ang isyu, maaari kaming makatulong sa pagbibigay ng impormasyon at payo upang matulungan ang mga empleyado at taga-empleyo na maunawaan ang kanilang mga karapatan sa lugar ng trabaho.