👤

magbigay ng limang halimbawa ng katotohanan at limang halimbawa ng opinion. isulat ang sagot sa lion ng graphic organizer.​

Sagot :

Answer:

Ano ang katotohanan?

Ito ang mga ideya o pangyayari na tanggap ng lahat o totoo

Ano ang mga halimbawa ng katotohanan?

*Ang pambansang kanta ng Pilipinas ay ang Lupang Hinirang.

*Ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas ay Pang. Rodrigo Duterté.

*Ayon sa RA 9165 ang paggamit ng bawal na gamot ay may parusang pagkakulong.

*Ayon sa statistika na inilihad ng DOLE, tatlo sa bawat sampung tao sa Pilipinas ay walang trabaho.

*Ang lugaw ay isang pagkain.

Ano ang opinyon?

Ito mga pananaw na maaring totoo ngunit pwedeng pasubalian

Ano ang mga halimbawa ng opinyon?

*Sa tingin ko mas pógi si Xander kaysa kay Ford.

*Para sa akin, ang prutas na Cherry ay ang pinakamatamis sa lahat.

*Kung ako ang tatanungin, hindi pagkain ang lugaw.

*Sa aking palagay, siya nga yung naghatid sa anak ni Marites.

*Pakiramdam ko, máhal ko siya higit pa sa masasabi ng mga salita.

Explanation:

Hope it helps correct me if im wrong