👤

Kaugnayan ng Edukasyon sa buhay ni Rizal​

Sagot :

Tumutukoy  ang  pilosopiyang  pang-edukasyon  sa  isang  kaisipang gumagabay  sa  mga  patakarang  pang-edukasyon.  Sa pangkabuuan,  mahalaga  ang  pagkakaroon  nito  lalo’t  higit  sa panahon  ng  globalisasyon  --  nararapat  na  ang  isang  bayan  ay may  sinasandigang pilosopiyang pang-edukasyon  upang  hindi ito madaling  masilab  sa  nagbabagong  daloy  ng  panahon.  Sa katunayan,  ipinunla  ng  pambansang bayani,  Dr. Jose  Rizal  (1861 -1896),  ang  mga  kaisipang  patungkol  sa  edukasyon  na  dapat tahakin  ng  kanyang  bayan.  Hangad  ng papel  pananaliksik na  ito na  siyasatin  at  ihayag  ang  nawaglit  na  Pilosopiyang  Pang-edukasyon  ni  Rizal  na  maituturing  na isang  Pilosopiyang Pilipino  sa edukasyon.