1. Si Sam at Tony ay matalik na magkaibigan. Si Sam ay nakaimbento ng isang makina, at kinilala siya para dito. Dahil sa kanilang pagiging matalik na magkaibigan ni Tony, sinabi nya dito lahat ng mga paraan sa paggawa nung makina. Naging interesado si Tony sa paggawa ng makinang iyon. Naghanap si Tony ng mga taong interesado sa mga kakaibang imbensiyon sa internet at iprenisinta niya ito. a. Tama ba ang ginawa ni Tony? b. May pananagutan ba si Tony sa ginawang hakbang? 2. Si Angeline ay empleyada ng isang kompanya. Malimit siyang isinasama ng kanyang manager kung may lakad ito patungkol sa trabaho. Alam ni Angeline ang mga iligal na nangyayari sa loob ng kompanya ngunit pikit-mata si Angeline sa mga nangyayari dahil natatakot siyang matanggal sa trabaho. a. Makatwiran ba ang pagbubulag-bulagan ni Angeline? b. Sa tingin mo, ano ba ang nararapat nyang gawin? 3. Si Judy ay isang college student. Minabuti ni Judy na kopyahin ang bawat nakasulat sa artikulo na nakita nya sa internet para sa kanyang term paper upang mas madali nyang matapos ito dahil tinatamad siyang magbasa at kunin ang kabuuang ideya base sa kanyang pagkakaintindi. a. Nakatutulong ba kay Judy ang kanyang ginawa? b. Paano nya maaayos ang kanyang ginawa?