👤

Narito ang tatlo sa mga mahahalagang kampanya ng ating pamahalaan:
Kampanya para sa lahat
Ang kampanya laban sa pananakit ng mga hayop (Animal Welfare Act of 1998) ay mas pinairal upang
mapangalagaan ang mga hayop na may buhay rin
tulad ng tao. Kung paano ingatan ng tao ang kaniyang sarili ay
gayundin sana maingatan ng
mga tao ang mga hayop sa lahat ng pagkakataon. Inaasahan ang bawat isa sa atin ng
irespeto ang anumang nilalang, maliit man o malaki. Maituturing na kapamilya ang mga alagang hayop na madalas
ay may pagkakataong naililigtas pa ang tao sa kapahamakan.
Naging isang matunog na balita ang tungkol sa mahigpit na pagbabawal na paninigarilyo sa loob at labas ng
mga pampublikong lugar. Ito ay nasasaad sa Executive Order 26 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ang programang
mapangalagaan ang kalusugan ng mamamayan laban sa masasamang epekto ng sigarilyo ay binibigyang pansin ng
pamahalaan. Tayong lahat ay hinihikayat na tumalima o sumunod sa utos na ito. Katungkulan natin na lumahok sa
kampanya laban sa paninigarilyo.
Ang kampanya para sa kapayapaan ay isa ring prayoridad na dapat maisakatuparan. Sa simpleng paraan,
ang pamahalaan din natin ay nakikipag-ugnayan at nakikipagkaibigan sa maraming bansa para sa kaunlaran at
kapayapaan. Bilang mag-aaral naman, sana ay hindi tayo ang nagiging sanhi ng gulo at hindi pagkakaunawaan sa
paaralan o tahanan.
Sagutin nang may katapatan: (5 puntos bawat isa)
1. Paano ka makalalahok sa mga kampanya at programa ng pamahalaan kung tungkol ito sa (a) pagpapanatili ng
kapayapaan?
2. Bakit kailangan mong makilahok, sumali at makibahagi sa mga kampanya at programa para sa pagpapatupad ng
ating mga batas?