1.Binigyan kayo ng takdang-aralin sa Araling Panlipunan na alamin ang lokasyon ng
Pilipinas.
A. Almanak C. Globo/Mapa
B. Diksiyonaryo D. Tesawro
2. Naglunsad ang Kagawaran ng Edukasyon ng iba’t ibang pamamaraan upang
maipagpatuloy ang pag-aaral, tulad ng video lesson. Sa anong programa sa
telebisyon mapapanood ang mga palabas na ito?
A. Discovery Channel C. Knowledge Channel
B. DepEd TV D. Sine‘Skwela
3. Inatasan ka ng iyong guro na gumawa ng sanaysay tungkol sa napapanahong isyu.
Anong sanggunian ang maaari mong gamitin upang makakuha ng bagong
impormasyon?
A. Almanak C. Pahayagan
B. Magasin D. Tesawro
4. Nabanggit sa inyong aralin ang salitang “ningas-kugon”. Gusto mong malaman ang
wastong bigkas at kahulugan nito. Sa anong sanggunian mo ito makikita?
A. Atlas C. Ensiklopedya
B. Diksiyonaryo D. Tesawro
5. Inatasan ka ng iyong guro sa Agham na mag-ulat tungkol sa Kinds of Energy. Upang
malaman ang detalyadong impormasyon, anong sanggunian ang iyong gagamitin?
A. Atlas C. Ensiklopedya
B. Almanak D. Tesawro