Sagot :
Answer:
'' Ang Aking Karanasan Ngayon sa Panahon ng Pandemya''
Hinihiling ng pandemyang COVID-19 na tayo ay manatiling mapagbantay sa ating pang-araw-araw na buhay hanggang sa muli tayong ligtas na makabalik sa ating mga pang-araw-araw na gawain. Maaari nating gawin ang ilang mga simpleng hakbang upang makatulong sa pagbagal ng pagkalat ng sakit na coronavirus at protektahan ang ating mga sarili, ang ating mga pamilya, at ang ating mga komunidad.
Naging mahirap ang naging karanasan ko ngayong pandemya dahil sa sakit na COVID-19. Sa kabila ng pandemyang ito ay nagsisikap pa rin ang aking mga magulang upang maitaguyod kami at may maipanggastos sa araw-araw. Sa tuwing lumalabas ng hahay kailangan magsuot ng facemask at palaging may distansiya sa aking kapwa upang maiwasan ang pagkalat ng sakit at mapanatiling ligtas ang sarili at ang pamilya. Medyo mahirap ang ginagawa namin ngayon sa pag-aaral dahil sa minsan nahihirapan na talaga pero tuloy pa rin tinatapos ko ang aking nga aralin. Sa kabila ng, pandemyang ito ay nakikita kong patuloy na naghahanap ng solusyon ang ating presidente, kasama ang nga iba pang frontliners.
Nagtalaga ng lockdown sa buong bansa. Ang kilos ng mga tao ay limitado. Mayroong mga establisyemento na ipinasara. Maraming mga manggagawa ang nawalan ng tarabaho. Mahigpit ang mga patakaran ng gobyerno. Ang mga tao ay pinananatili sa kanilang mga tahanan upang makontrol ang paglaganap ng virus.
Tinuruan tayo ng pandemyang ito na huwag masanay sa kung ano ang meron tayo dahil.walang permanente sa mundo. Tinuruan tayo na magmalasakit sa ating kapwa sa pammagitan ng pagbigay ng tulong.
Mayroon mang masamang dulot ang pandemyang ito ay mayroon rin itong magandang dulot. Ang mahalaga sa kasalukuyan ay buhay pa tayo. Kaya habang buhay pa tayo maging mabuti tayo.
Explanation: