Piliin sa mga pangungusap ang mga pang-abay na pamaraan o mga salitang nagsasabi kung paano.
Halimbawa:
Umakyat sa tanghalan si Nestor nang patakbo
Sagot: nang patakbo
Magsimula Rito:
1. Malapit na ang pista ng patron sa Barangay sa Antonio kaya tulong-tulong na naglinis ng paligid ang mga tao.
Sagot: ______________________________________
2. Nagkakatuwaan namang nagkakabit ng mga banderitas ang mga kabataan.
Sagot: ______________________________________
3. Pagsapit ng pista ang matatandang babae ay buong taimtim na nagdarasal.
Sagot: ______________________________________
4. Sama-samang nagsisimba ang bawat mag-anak.
Sagot: ______________________________________
5. Ang mga nanay ay buong sipag na naghahanda ng masasarap na pagkain.
Sagot: ______________________________________