👤

Isagawa
Sumulat sa sagutang papel ng payak at tambalang pangungusap.​


Sagot :

Answer:

PAYAK

1 Malaki ang epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng bansa.

Sugnay na makapag-iisa: Malaki ang epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng bansa. (Sinasabi ang epekto ng COVID-19 sa ekonomiya)

Simuno: COVID-19

Panaguri: Malaki ang pinsala sa ekonomiya ng bansa

2. Dadalo ka ba ng reunion?

Sugnay na nakapag-iisa: Dadalo ka ba sa reunion? (Tinatanong kung dadalo o hindi sa reunion)

Simuno: ka

Panaguri: Dadalo ba sa reunion

TAMBALANAN

1. Nagtungo sa kusina si Marta at siya ay naghugas ng mga pinagkainan.

Mga Sugnay na Makapag-iisa:

1. Nagtungo s a kusina si Marta

2. siya ay naghugas ng mga pinagkainan

Pangatnig na Ginamit: at

2. Gustong pumasok sa trabaho ni Emily, subali’t siya ay nilalagnat.

Mga Sugnay na Makapag-iisa:

1. Gustong pumasok sa trabaho ni Emily

2. siya ay nilalagnat

Pangatnig na Ginamit: subali’t