__1. Ang pokus nito ay pagsasanib ng imahinasyon, guni-guni o pantasya at katotohanan.
__2. Isang tulang pasalaysay na may orihinal na pamagat na "Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valerianasa Cahariang Berbania".
__3. Ito ang tawag sa nag-aaral ng tradisyonal na paniniwala ,alamat, kaugalian at iba pa.
__4. Ito ay isang anyo ng tulang romansa na naglalarawan ng pakikipagsapalaran sa buhay ng mga kababalaghan, pantasya, nagpapamalas ng kagitingan, kabayanihan at pagkamaginoo.
__5. Sinusuri sa teoryang ito ang masusing pagkakabuo at ang kritikal na pormulasyon upang unawain ang ugnayan ng akda at katotohanan o ang teksto at realidad.
__6. Ito ang tawag sa pagtutulad, paggaya, o limitasyon ng mga pangyayari sa akda mula sa mga aktuwal na pangyayari sa lipunan.
__7. Teoryang nangingibabaw ang damdamin kaysa isip.
__8. Layunin ng teoryang ito na palutangin ang bahagi ng isang akda na nagbibigay-aral sa mga mambabasa nito.
__9. Teoryang naniniwala na ang tao ay natatangi sa mga nilalang na may buhay.